Sunday, December 28, 2014

The "DOC" is IN

"Doc, musta?"

"Doc!"

"O yan na ing doktor tamo!" (O, ayan na ang doktor natin!)

"Ilang years na lang, doc?"

Ilan lang yan sa mga naririnig kong mga kataga galing sa mga kaibigan, kamag-anak, at mga kapit-bahay. Be it a conversation starter, isang greeting, o talagang seryosong usapan. Minsan mapapasabi na lang ako ng "ay, hindi pa naman po ako duktor", o kaya, "ayos lang po, eto studyante pa din". Pero deep inside, kahit di mo man ako tanungin, tuwang-tuwa ako, kasi this just means na kahit paunti-unti, I can see myself in the future.

Pero kahit nakakatuwa man, minsan, napaka-laking pressure yan. Minsan, may mga uncertainties akong nararamdaman, lalung-lalo na, kapag may mga mabababang grades akong nakukuha sa ibang mga exams, kapag minsan tinatamad na ako, kapag minsang nawawalan na ako ng motivation para mag-aral. Minsan kasi talaga, kahit sinong tanungin mo, napaisip na sila within the course of their study na kahit minsan, kinwestyon na nila ang sarili, kung bakit tinuloy pa nila ng Medisina, where in fact, pwede na silang magtrabaho, magpahinga, etc. Maraming nasasakripisyo, ang oras mo sa pamilya, lalo na kapag nag-do-dorm ka. 

At minsan, nakikita mo na din ang mga kabatch mo na pa-abroad-abroad na lang, yung iba parang maning-mani na sa kanila ang pagpunta sa mga tourist spots dito sa 'Pinas, yung iba, nakakabili na ng sarili nilang gadgets. At ikaw, nasa tapat ng libro o handout, nagbabasa.

Minsan mapapaisip ka na lang, pano pag wala nang perang pangtustos? Tulad ko, na nabubuhay lang sa Medicine dahil sa scholarship, ay napapaisip talaga. Maaaring madali lang makakuha ng passing grade. Konting sipag lang. Kaso, sa sitwasyon namin, isang maling galaw mo lang, pwede nang ikatanggal ng scholarship, goodbye Medicine.

Di ko alam. Siguro sinulat ko lang 'to kasi talagang nararamdaman ko na ang pressure. Tulad ng mga kabarkada kong scholar din, minsan nagsasabihan na lang kami ng positive words para lumakas ang loob namin, minsan tinatawanan na lang namin bawat mababang grades, but deep inside, we feel anxious.

Pero ngayong Pasko, thankful talaga ako sa opportunity na binuksan ni Lord. Na hanggang second year, scholar pa din ako. Na palapit na ako ng palapit sa gusto kong makamtan. At sana, magtuloy-tuloy na.

At pinapanalangin ko, that there will come a day wherein legal na na "doc" talaga ang tawag nila sakin.

Please, isama nyo na din ako sa panalangin nyo. Hehe.

MERRY CHRISTMAS!

PS: Di talaga ako maniningil ng mataas na PF pag naging doktor nako. Yung sakto lang talaga, pramis! Di ako magooverprice.