Monday, October 20, 2014

Mga walang kwentang analogies, atbp.

Minsan, habang kumakain sa isang carinderia. Nag-order ako ng Bicol Express, nakita kong isang order na lang, pero may sobra pang konti. (Buffet style kasi)

Kuyang nagseserve: *kinukuha yung isang order, aktong ititira ang konti pa*

Ako: Kuya, bigay mo na lahat. Hehehe

KN: *hesitant*

Ako: Kuya, ang pagseserve ng pagkain, parang pag-ibig yan. Dapat binibigay mo lahat.

Lahat ng staff ng kainan, pati mga kaibigan: *tahimik, kulang na lang, cricket sound*

KN: Sir, mahirap yan. Kapag binigay mo na lahat, wala nang matitira sa'yo. Pero sige, ibibigay ko na lahat.

Ako: Kuya, kahit ibigay mo naman lahat, sa huli, kahit konti lang, may babalik at babalik sa'yo. *abot bayad*

OK, isa na naman pong walang kwentang analogy.

1 Comments:

At Friday, December 12, 2014 , Blogger Unknown said...

Analogy na medyo parang nasobrahan kay Papa Jack.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home