Speed Typing!
Maraming tao na ang nakakapansin, lalong lalo na sa mga kaibigan ko. Mabilis akong mag-type.
Siguro skill na lang ito na nadedevelop over time, yung skill na memorize mo halos ang buong keyboard, at dahil dun, medyo napapabilis ang pag-input mo ng information sa computer mo. At habang sinusulat ko ang article na ito dito sa blog, pinapansin ko ang bilis ng aking pag-type, kaya ang dami kong mali. Hehe. Siguro, yun na ang tinatawag na Hawthorne effect, yung panahon na nagkakamali ka kapag may nakakapansin, pero kapag ikaw lang mag-isa, nagagawa mo sya ng perpekto.
Siguro wala lang akong maisip na isulat sa panahong 'to kaya sumulat ako tungkol sa speed typing. (Dahil sabaw na sabaw ako sa ngayon). Nagsimula ang practice ko nung tumungtong ako ng Grade 4 ng grade school. Unang beses kong humawak ng computer, dahil dati, typewriter pa ang ginagamit namin para sa mga project. Sa una, mahirap kabisaduhin ang mga letra ng keyboard. Maraming "qwertyuiop, asdfghjkl, at zxcvbnm" din ang kinailangan kong imemorize para talaga makuha ko. Ang mga exam namin nun, pati kung anong mga daliri ang dapat pumindot sa mga letra ay kailangan naming i-memorize.
At alam mo ba, kung bakit ang letrang F at J sa keyboard ay may mga "notches"? Ang mga ito ay ginagamit bilang palatandaan kung saan dapat ang mga daliri. Siguro for ease of access para sa mga kaibigan nating disabled, lalong lalo na ang mga bulag.
Mabuti pa ang typing, pwedeng hasain. At kapag nagkamali ka, pwede mong burahin in an instant. Pero kapag sa tunay na buhay, minsang nagkamali ka, mahirap nang burahin. Pwedeng i-improve ang pagkakamali, pero nasa isipan mo na yun hanggang mamatay ka. Mananatili yun sa utak ng mga taong naka-saksi, kahit na ikaw mismo iniiwasan mo nang mangyari ito ulit. At ang typing, kapag nai-hasa mo na ang skill na ito, ay talagang bibilis at bibilis ka. May shortcut ka na, kung baga. Pero ang buhay, walang shortcut.
Ikaw, nakakapag-speed typing ka na din ba? Habang may ginagawa kang report, blog post, letter, o kaya type mo lang talagang mag-type, napapansin mo na bang bumibilis ka na din?
Heto na naman ang isang "sabaw" post na naisulat ko dito. Di naman sa obligatory ang post na ito, pero inspired lang talaga akong sumulat ngayon, pero hindi ko alam kung ano ang isusulat. Naramdaman mo na din siguro yun. Hehe. Pag-upo ko, dahil na din siguro sa init ng panahon, nawala bigla ang napakaraming thoughts na nasa loob ng utak ko. Pagbigyan na.
'til next time!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home