May gamot na nga ba tayo sa Cancer?
Cancer. Yan ang pinaka-buod ng thesis naming pinrisinta kamakailan lamang. Kung ang pinili ba naming halaman ay may kapasidad na makapag-pigil ng pagdami ng cancer cells. Kung pwede ba nyang pigilan ang pag-buo ng ugat ng isang tumor para wala silang makuhang sustansya mula sa dugo, at kung pwedeng parang sakalin na lang namin sila para walang makarating na oxygen. At ang resulta? Pwede. May anti-cancer effect nga ang halaman namin. Nice one.
Ang cancer ay pwedeng maihantulad sa mga masasamang elementong inaangkin natin. Selos, inggit, sakit ng loob, takot, galit, at iba pa. At parang mga cancer cells, nagpaparami sila at kumakalat, hanggang sa gustuhin na nyang magpakarami ng sobra at lamunin na lang ang buong pagkatao ng isang indibidwal. Kung hinayaan na lang nating manatili sa katawan ang mga ito, maaaring ikamatay ito ng mga relasyon natin sa iba, o kahit man lang sa sarili natin, at naglaon, sisirain nito ang sarili nating buhay.
Habang nasa Stage I pa lang ang "kanser" na yan, dapat agresibo na tayo sa paggamot sa mga "ligaw na bahagi" ng ating katawan. Kung hindi man pwedeng tanggalin, maganda na ang pinapahupa natin sila. Posibleng bumalik, pero tulad ng iba, kung malakas lang ang loob natin, at may tiwala sa Diyos, posibleng hindi na.
At ang tanging oncologist (cancer doctor) nating 24/7 available for treatment ay si Lord. Marami syang treatment regimen, kung paano nya aatakihin ang cancer na ito na nasa kaloob-looban ng ating mga puso. Kahit alas-tres man yan ng madaling araw, pwde mo syang tawagan, at viola, alam na nya agad kung anong kailangang gawin. At higit sa lahat, TAX FREE!
Darating ang panahon na balang araw, pagka-"chemotherapy" mo sa mga kanser na 'to, bigla sila ulit susulpot, at at least, alam mo na kung anong gagawin. Alam mo na kung sino ang tatawagan, at kung anong mga gamot ang pwede gumawa nito. O ano, sabay-sabay na tayong magpakonsulta. At least, malay natin, mapipigilan na natin ang "cancer" na nagbabalak na naman bumalik.
…Back sa aming study. Hindi man kami ang nanalo ng first place ng patimpalak ng mga researchers, maraming compliments ang lumabas, at may mga nakatagpo kaming mga parents, professors, at students na bagkus hindi namin kilala ay parang napaka-proud sa aming study. At higit sa lahat, may nag-offer saming isang research enthusiast ng funding para mai-publish internationally ang student research namin. Talk about blessings! Praise God! Mas mukha pa kaming nanalo! (Pagbigyan, masyado lang akong proud sa study namin! Hehe)
Hanggang sa muli!
2 Comments:
uy may post si Vento. hehehe. anong halaman ito? :) pero tama, nabasa ko rin na ang cancer e sakit na hindi lang physical kundi maraming bagay pa kaya dapat ang may sakit nito o yung gustong makaiwas e ayusin ang pamumuhay sa lahat ng aspekto. Salamat sa pagshare nito. :)
hirap talaga pag may cancer.... sana mauso ang mga halamang gamot.... mahal na kasi ang mga gamot ngayon....
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home