Friday, November 01, 2013

Anak

"My child, pay attention to what your father and mother tell you. Their teaching will improve your character as a handsome turban or a necklace improves your appearance."  - Proverbs 1:8-9 

Kamakailan lamang, habang nakasakay ako sa isang jeepney, may tatlong lalaking sumakay pagkatapos ko. Maingay ang mga kalalakihang kasama ko sa jeep, at parang may pinag-uusapan sila. At dahil hindi ko din naman maiwasang makinig sa kanila dahil wala naman akong earphones, medyo may mga narinig ako tungkol sa kanilang pinag-uusapan.


Guy #1: (may kinakalikot sa kanyang iPhone 4s) Uy, saan ka galing kanina? Late ka na kanina ah.

Guy #2: Galing ako sa !@#$% (isang computer shop), naglaro kami nina *pangalan* *pangalan* *pangalan*.

Guy #1: Haha. Hindi na nga ako nakapag-test sa !@#$ (subject)..

Guy #3: (pinipindot ang Samsung Galaxy SIII) Haha. Bayaan mo, may next year pa naman..

Guy #1: May summer pa naman para i-take 'yun.


Kung napalakas lang ang loob ko nun, nabulyawan ko na sila. Bilang isang taong nakapag-trabaho at nakaranas kung paano kumayod para lang makakuha ng salapi, nalaman ko din ang kahalagahan ng pera, at hanggang ngayon, kahit hindi na ako nagtatrabaho, ay alam ko pa din pahalagahan ang pera. Noong college, ginagawa ko din ang lahat para ma-maintain ang scholarship ko hanggang fourth year. Dahil mahirap talagang kitain ang pera.

Kung tutuusin, kayang kaya siguro ng mga magulang ng mga tauhan sa itaas na pag-aralin ang kanilang mga anak. Kung titignan mo ang mga cellphone nila, hindi biru-biro ang magkaroon ng mga ganun sa panahon ngayon. Maglalabas at maglalabas ka pa din ng pera para lang makagamit ng ganung mga gadgets. Pero kung ikaw ang bibigyan ng tsansang magkaroon ng mga high-end gadgets, tapos isang napakagandang buhay, hindi ka ba mahihiya, at siguro, kahit sa kaisa-isang responsibilidad mo, ang mag-aral, hindi ka ba magpupursige?

Hindi ko sinasabing masama ang magkaroon ng luho at lahat-lahat, pero para sa akin, konting balanse lang sa mga bagay-bagay. Kung ako ang nabigyan ng ganoong pagkakataon, siguro, para sa akin, kahit siguro umabot na ng below sea level ang mga eyebags ko (korny), magpupuyat at magpupuyat ako para lang matumbasan ko ang paghihirap at pagkayod ng mga magulang ko. Makikinig at susunod din siguro ako sa  bawat utos nila. (Pero kahit hindi naman ako naluhuan, ginawa ko din ang mga ito.)

"At sa gabi'y napupuyat ang nanay mo, sa pagtimpla ng gatas mo."

(O yan, rant post na naman. Haha. Nadala ng bugso ng damdamin.)

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home