It's Been Ages!
Habang nagkaklase:
Medyo matagal na din akong hindi nakakapagpost sa blog na 'to. Bakit kaya? Clue, maraming ginagawa. Boriiiiiiiing. Actually, habang ginagawa ko 'to, may klase kami. Wahahaha. *insert evil laugh here*
May 2013 pa ang last post ko. Approximately, almost 4 months na akong hindi nakakapagpost. Every month, may isang araw na naiiisip kong magpost ako, at i-share ang mga ideas ko. Kaso, darating at darating din ang panahon na tatamarin ako, minsan maraming ginagawa, at eventually, hindi na ako nakakapagsulat. Reasons.
Mahirap. Mahirap ang pinasok ko. Hindi biro. Maraming inaaral, maraming ginagawa, maraming sinasakripisyo. Maraming family events na ang hindi ko na-attendan, maraming family outings nang hindi napuntahan. May nagtatampo nang mga kaibigan dahil hindi na nabibigyan ng oras (kahit weekends). May nakapagsabi pa ngang masyado daw akong busy magpaka-"dalubhasa" na wala na akong oras para sa kanila. Haha.
Nagbawal ang prof sa mga gumagamit ng devices. Blogpost cut.
Ngayon, sembreak. Tuloy lang:
Siguro nahirapan ako dahil sumabak akong hindi mentally prepared. Parang medyo may hangover pa sa pagkaka-stock ng utak nang dalawang taon, at sa hangover ng pagkakamit ng sahod. Minsan nga, naiisip ko, "yun na yun eh. Nagsusweldo na ako. Nakakatulong na ako sa bahay. Wala nang homework at review na ginagawa pag-uwi. Basta punta lang sa trabaho, tapos, gawin ang nakatakdang gawin, uuwi, may inaasahang sahod after 15 days." Marami pang drama yan, pero putulin na natin.
Pero kahit palagi kong naiisip yan, may mga pagkakataon pa din namang naiisip ko na "Pangarap mo yan. Kinder ka pa lang, naiisip mo nang magiging doktor ka paglaki mo. College, napagdesisyunan mong itutuloy mo na talaga sa Medisina." At yan ay isa sa mga bagay na nagbu-boost ng morale ko sa mga panahong babang-baba na ako. Maiisip ko kasing bigla, na darating din ang ilang taon, (5 years, tops), magiging doktor ako. Mabibigyan ko na din ng konting "pride" at yabang ang mga magulang ko. Hehe
Pero ngayon, nakatapos na ako ng isang semester. 1/8 na akong doktor. Ang isang guhit sa M.D. na darating ang araw ay makakamit ko din (sana), nakadugtong na sa pangalan ko. At gagawin ko ang lahat para makuha lang ang 7/8 ng MD title na 'yun. Sa ngayon, Medyo Doktor muna ang ibig sabihin nyan. XD
Yun oh. Dalawang letra. M.D. Bigtime. |
Next sem, wala nang hangover. Wala nang reasons para mag-procrastinate. Ilalagay ko na ang forehead band (yun nga ba ang tawag dun?) at sisigaw ng "Yosh!" (cheer sa Japanese, hindi yung nasa video) at gagawin ang lahat para lang sa pinaka-aasam na pangarap.
At dito nagtatapos ang maatikabong post ko, sa blog na muntik nang amagin dahil sa katamaran masyadong busy na lifestyle.
2 Comments:
yun oh. Good luck sa iyong pag-aaral bro. God bless. :)
Welcome back!!! :) Isang sem na pala yun? Ambilis.
Yakang-yaka mu yan Doc JC! Konti nalang.hehe ;)
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home