Tuesday, January 15, 2013

Happy Birthday!

Herper Bertdeyr!
(Photo Credit)
Isa ang birthday sa mga araw na pinakahihintay ng mga taong katulad ko, pati na din ikaw siguro. Ito ang tanging araw na pwede kang mag-leave (kung regular employee ka), pwede kang magliwaliw, pwedeng makatanggap ng regalo galing sa mga kaibigan, kapamilya, or ka-ibigan (uuuyyyyyyyyyyy!), at marami pang iba. Uso ang handaan kapag birthday, lalo na kapag una, tapos pampito, pagkatapos, debut. Kapag birthday ng isang tao, dito sa Pilipinas, hinding hindi mawawala ang pakain.


Ngayong tumanda na ako, isang bagay lang ang napansin ko. Bakit kaya ang may birthday ang dapat maglabas ng pera at magpakain ng ibang tao? Bakit kaya kapag birthday ng isang tao, sinasabihan syang "manlibre" ng mga kaibigan nya? Bakit kaya nag-iipon or kaya'y nanghihingi ng pera sa magulang ang isang tao para lang may maipan-libre sa mga kaibigan? Bakit?

Kung manonood tayo ng mga Koreanovela or kaya drama ng ibang bansa, kapag may birthday ang isang tao, sya ang iniimbitahan na ilibre sa isang kainan. Minsan, kahit kumain lang sila ng street food, ayos na. The thought counts, ika nga. Pero teka, nakakapagtaka.. sa Pilipinas lang ba iba ang setup?

Siguro, nakasanayan na lang natin dito sa Pilipinas ang maghanda tuwing birthday. Isang paraan na din siguro ito para magpasalamat sa Poong Maykapal sa isa pang taong extension ng buhay natin. Pero, hindi ba panahon na para maiba ang nakasanayan, at gawin itong mas masaya?

Ako, bilang isang madaling mapasunod na tao, sinusubukan kong baguhin ang nakasanayan simula sa sarili ko mismo. Nadagdag na sa aking mga prinsipyo (prinsipyo talaga, eh, no?) na siguro'y deserve din ng may birthday na mailibre at makatanggap ng regalo tuwing birthday nila. Araw nila 'yun eh. Mahirap din kasing mag-ipon at magpakain ng maraming tao, at yung iba ay mangungutang pa para may maipanlibre. 

Kaya ang naisip ko, imbes na pasakitin ang ulo nila sa kakaisip, I'll give them a break. A little treat once each year does not hurt, right? Hindi lang naging masaya ang birthday nya, posible ding matuwa ka dahil naging masaya ang iisang araw na meron sya sa buong taon. At sa smile ng crush mo, natupad na pati super advanced birthday wish mo.

Let's give them a break. At the end of the day, parang mas maganda pa din ang makatanggap, kahit sa birthday mo lang. ;)

Happy birthday! (at kung matagal pa, advance!)

Happy Birthday Mik!
(Photo Credit)

Oo nga pala, happy birthday sa anak mo Sir Rogie. Naks binata na! Pakain ka naman!~ Hehe (Pero di ko muna sya ililibre. hehe)

Labels:

3 Comments:

At Thursday, January 17, 2013 , Blogger Felmhar Vivo said...

Haha at hindi mawawala sa mesa ng isang tipikal na Pilipino sa birthday n'ya ang "Spaghetti" :D

 
At Thursday, January 31, 2013 , Blogger ignored_genius said...

Uy! pasensya na at late ang reply ko dito. Salamat sa greeting mo sa birthday ng anak ko. Sayang, papalibre ko pa naman sana siya sa yo. pero tama ka, ako rin naisip ko yan. dapat yung may birthday ang ilibre di ba?

at kung may isang tao man na dapat ilibre ang taong may birthday, walang iba yun kundi ang nanay niya na nagpakahirap na dalhin siya sa tyan ng 9 months para lang lumabas siya ng healthy sa mundo.

Isama na rin niya tatay niya na sumalo ng init ng ulo ng nanay niya sa loob ng 9 months. hahahaha. :)

 
At Tuesday, February 12, 2013 , Anonymous Reyn said...

Ako ok na saken kahit pansit lang ang handa pag birthday ko.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home