Fasten your seatbelt!
Warning: As usual, isa na namang rant blogpost. Haters gonna hate. Haha
I was on my way home nang sumakay ako sa isang jeepney. (Flash report: Malapit na ulit ang aking assignment, meaning, hindi na ako nakikipagpatintero sa buses! Yay!) Habang seryoso akong nagtititingin sa paligid na parang music video ang dating, biglang nagmadali ang driver, dinala sa tabi ang jeep, at pinapalipat ang isang pasaherong nasa harap papuntang likod. Bigla nya ding pinapasuot ang seatbelt (na wala man lang proper seatbelt mechanism) sa pasaherong naiwan sa harap.
Reason? May LTO sa may kanto. Nanghuhuli ng mga pasaway na drivers. Isang mabilisang balita galing sa mga kapwa jeepney drivers.
Naintindihan ko namang napakalaking abala nga naman kung sakaling mahuli ng LTO officers, hindi lang sa driver ng jeepney, kundi sa mga pasaherong nagmamadaling makapunta sa kanilang destinasyon. But does the end justify the means? Hindi siguro.
Common na ang ganitong eksena sa lugar namin, mga jeepney driver na pasaway, at biglang titino kapag may balitang naka-station na ulit ang mga traffic officers dito sa lugar namin. Iba-ibang scenario yan. Ang iba, papalipatin ang isang pasahero na nasa harap dahil isa lang dapat ang nakaupo. Ang iba, isusukbit sa katabing pasahero ang seatbelt na parang pinako lang sa pader ng jeepney. May mga driver na pabababain ang mga nakasabit sa likod. May magpapatay ng sigarilyo. May magsusuot muna ng uniform (polo), magsusuot ng tamang driving gear. Susundin ang traffic lights at traffic signs. Kanya-kanyang diskarte, basta nandyan si mamang officer.
Kapag wala na ulit sila, back to normal.
Ginawa ang mga batas para sundin natin, hindi sundin kapag mayroong law enforcer. Ginawa ito para maging mas maayos ang ating bansa, maging mas-safe ito para sa mga mamamayan. Ginawa ito para ma-instill sa ating lahat ang kahalagahan ng disiplina. At kung simpleng pagda-drive lang at mga batas nito ay hindi natin ma-solve, paano na lang ang mga mas malalaki pang bagay?
Let me set this straight. Wala akong galit sa mga jeepney driver. Hindi ko lang maatim na kung bakit simpleng mga batas lang sa pagmamaneho ay di nila kayang sundin. Hindi naman siguro sagabal sa gawain nila kung magsusuot sila ng sapatos kapag nagda-drive. Mas safe pa nga eh. Mas lalo nang safe ang pagda-drive kung nakalagay ang seatbelt, at gumagana ito ng maayos. Kapag ginagawa nila yan tuwing may traffic enforcer, hindi nila niloko ang enforcer, niloloko nila ang sarili nila.
At para sa mga law enforcer naman, aware kaya sila sa mga nangyayaring 'to? Hindi ako sigurado. Dahil may mga enforcer din naman akong nakikitang may mga kamaliang ginagawa. Motorcycling without helmet. Smoking in public places, at marami pang iba. I guess it's just a matter of give-and-take.
Isang solusyon galing sa inyong manunulat, hire incognito enforcers. Mga taong mukhang civilian lang, equipped with a badge and other proofs na taga-LTO nga sila. Yung tipong sasakay sila sa isang jeepney, mag-oobserba, at titignan kung may mga karumal-dumal na ginagawa ang jeepney driver. Kapag hindi naresolba ang ginagawa nya after some minutes, sitahin na. Ticketan, at kumuha ng ebidensya. This way, hindi lang magiging maingat ang mga driver anytime, iwas panloloko din.
Di ko alam kung nagmumukha akong kontrabida dahil sa post kong 'to. These things are just from my humble opinion. Isa din akong citizen na napasaktong mapagmasid at nangangalaga sa kapakanan ng taumbayan. Iboto sa susunod na eleksyon!
Labels: Personal, Philippines
6 Comments:
Ganyan din dito sa amin. Haha. Dapat kasi araw araw magbantay ang lto. Para masaya.haha :p
ganon na nga ang problema sa mundo ngayon. yung nagiisip ng tama at mabuti, siya pang kontrabida sa tao. KJ ang tawag nila. Pero ok lang yan, at least, KJ man tayo e concerned pa rin tayo sa kanila. Pero kainis lang talaga. :)
matigas lang talaga ang mga ulo natin. we pinoys love the feeling that we always have a shortcut (loophole) for almost everything. we are smart. yet undisciplined.
i'll vote for you! :)
Or pwede din mga undercover agents. Apply tayo nun. Hehe. :) Araw-araw? I don't think so. Pinoy pa. Hehehe. Joke. :D
Hehe. Salamat po sa concern, idol. Naisip ko lang na dapat talaga may pagbabagong nakikita sa atin. We can't develop if we cannot change ourselves. Na kung simpleng rules lang, di natin masunod, paano pa kaya ang malalaki? Oo nga, KJ tayo. And if being KJ is what can change our country, I am more than willing to be the KJ Ambassador. Hehe
Hehe. Tama nga, isa pang idol! We Filipinos are smart, as we can look for the easiest way, ang problema, we (sometimes) can't do it using the best way. Hehe.
Salamat po, tatlong boto na 'yan. Ako, ikaw, at ang aking ina. Hahahahaha
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home