Wednesday, April 17, 2013

Woohoo!

Habang nagse-surf ako sa internet, may isang bagay na kumatok sa aking isipan. Parang kamakailan lang kasi, napansin kong medyo napapalapit na ang aking blog anniversary. Sa pagkakatanda ko, 14 days na lang nun, anniversary na ng blog ko. Naisipan kong sumulat. Pero hindi muna, baka hindi ko masyadong maipabatid ang aking happiness sa isang taon ng masaya at (minsan) nakaka-sabaw (minsan lang naman) na pagsusulat. Sabi ko, sa actual na araw na lang para masaya.

Nagkamali ako.

Kahapon ang anniversary ng blog ko.


Pero let's not spoil the fun. Isang taon na din pala nang umupo ako sa *alam nyo na*, nag-isip ng malalim, at finally, nagdesisyon na gawin nang legal ang pag-gawa ng blog. Ang pagyamanin ito at sulatan tungkol sa araw-araw na pamumuhay. Nakwento ko na din kasi sa inyo dati na gumawa na din ako ng sandamakmak na blog, na hindi ko naman pinanindigan. Isa lang ang aking masasabi - parang intercourse lang ang paggawa nito. Kapag andyan na, dapat mong panagutan. Haha.

Maraming adventures na din ang aking nagawa dahil sa aking blog. Marami akong nakilalang tao, maraming nakapagbasa ng mga gusto kong ilahad. Marami na din akong nasalihang blog groups na tutulong sa'yo kung paano mag-blog. Dahil din sa blog na 'to, natuto akong magrefresh ng aking kaalaman sa HTML at CSS. Suma total, isang parte na ng aking buhay ang blog na ito.

Isang araw, habang nanonood ako ng balita, may mga isyu na pinag-uusapan. Bigla akong napa-text sa kaibigan kong intellectual, at kinwento sa kanya ang lahat ng narinig ko. Gusto kong nakikipag-usap sa taong 'to. Very intellectual. May masasabi at masasabi tungkol sa isang bagay, at handang makipag-argue sa akin kung sakaling hindi kami magkatugma sa opinyon naming dalawa. Habang nasa kainitan na kami ng aming diskusyon, nakapag-isip-isip din kaming dalawa tungkol sa isyu. At nabigla ako sa text nya.

"I-blog na yang rant mo!"

Isa lang ang bagay na pumasok sa aking isipan. Isang rant blog ba ang nagawa ko? Haha. Marahil oo. E sa marami naman talaga akong reklamo tungkol sa mga bagay-bagay sa mundo. Sa mga bagay na hindi ko masabi ng personal, siguro, isa na ang blog na 'to sa mga outlet ng aking frustrations sa buhay. Isa nang parte ng blog ko 'to. Ang magreklamo.

Pero sa palagay ko, hindi lang naman reklamo ang laman ng blog ko. Siguro, may mga post din naman akong napasaya ko ang ibang tao, napa-isip, nabigla, at nailahad ang ilang parte ng buhay ko. Isama mo na dyan ang aking  Starbucks post. Haha. Pinaka-piga ko pa ang aking limited experience para lang masulat yan, and I think everything turned out well.

May mga sabaw moments din naman ako sa aking pagbo-blog. Minsan, maiisipan kong sumulat, pero kapag halfway na, bigla na ang akong mame-mental block. Save as draft. Minsan, mababaon na sa limot. Minsan naman, bubuhayin ko at ipo-post. Minsan isusulat ko, tapos, idedelete din naman. Pero minsan, hindi ko titigilan ang keyboard ko hanggang sa maging nobela na ang aking post. Tulad nito.

Isang taon na akong sumusulat sa blog na 'to. Isang taong pakikibaka sa pagsulong ng malayang pagsulat. Isang taong pakikipaglaban sa katamaran at mental block. Isang taong pagse-share ng personal na karanasan. Isang taong reklamo, at isang taon ng pakikipag-kaibigan. (Oo, ikaw, ikaw ay isang kaibigan.) Isang taon na din pala akong masaya at excited sumulat. At least, masasabi ko sa buong mundo, na parte ako ng internet. Hehe

Marahil meron din namang kilala ako personally, meron naman through internet, at meron naman dahil talagang nagtitiyaga silang magbasa ng aking mga reklamo. Haha. Sa inyong nagbabasa at patuloy na sumusoporta, maraming salamat po.

ventocoseuss po, sumasainyo!

Labels:

6 Comments:

At Wednesday, April 17, 2013 , Blogger ignored_genius said...

Happy anniv bro. Magkasunod lang ang birthday ng ating blogs. Isang taon na sila pareho. Time to celebrate na yan pre. Pano mo ba planong icelebrate? uulitin mo yung ginawa mo last year? hehehe joke lang. Keep on writing. :D

 
At Wednesday, April 17, 2013 , Blogger ventocoseuss said...

Salamat, idol! Pag-iisipin ko sa toilet kung iisip pa ba ako sa toilet. Hehe.

 
At Wednesday, April 17, 2013 , Blogger fiel-kun said...

Happy anniversary po sa inyong blog. Basta keep the passion burning lang! Huwag matakot at ihayag ang iyong mga saloobin sa pamamagitan ng iyong blog.

Cheers!

 
At Wednesday, April 17, 2013 , Blogger Unknown said...

Congrats. Ang isang taon sa blogging world ay napakatagal :-)

 
At Wednesday, April 17, 2013 , Blogger ventocoseuss said...

Maraming salamat! It is because I'm surrounded by great bloggers like you that I strive to make myself better!

 
At Wednesday, April 17, 2013 , Blogger ventocoseuss said...

Maraming salamat! It is because I'm surrounded by great bloggers like you that I strive to make myself last longer in the blogging world! Hehe. Thanks thanks~!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home