Thursday, March 28, 2013

On Self-flagellation and Penance

"Eh kung i-donate na lang nila yung dugong gusto nilang ipalabas - sa Red Cross, edi naka-dugtong pa sila ng buhay."


Aware naman tayong lahat na nag-ce-celebrate tayo ng Holy Week ngayong linggong 'to. And as a devout Catholic, busy ako sa pagse-serve sa simbahan, spending everyday in service of the Lord. Sa palagay ko, this is my way of penance - we are given free time to relax and reminisce, but I spend it on the church while others go to the beach and do travelling. It's been going for 7 years now, and hey, sulit din naman ang pagod!


Ang kataga sa itaas ay nabanggit ng doktor na kasama ko sa trabaho. Rather realistic than sarcastic, naisip ko na may punto ang sinabi nya. We are talking about self-flagellation. Pagpaparaya. Napakasikat ng gawaing ito sa probinsya namin tuwing Semana Santa. Lahat, sinasabi, ito ang outlet nila sa kanilang guilt, at isang paraan para magsisi sa kanilang mga kasalanan. Pero hindi siguro.

Self-flagellation
Photo Credit
I am not a fan of self-flagellation, nor I am against it. May mga panahon din kasing hindi kapani-paniwala ang ginagawa nila. May mga nagpepenitensya na habang ginagawa nila 'yun, mayroon silang kasamang may camera at smartphones, at kinukunan sila ng picture habang ginagawa ang akto. May mga PA na may baong pagkain at tubig. May mga gumagawa nito sa gabi para daw hindi mainit. Ngayon, kung ikaw ang tatanungin, kapani-paniwala bang nagsasakripisyo sila dahil sincere sila? Hindi siguro.

Going back sa kataga sa itaas, sabi ko nga, may punto. As a healthcare professional, alam kong may shortage tayo ng blood supply dito sa Pilipinas. Pati nga Red Cross, minsan pinapabayad ang dugong kailangan kapag hindi makakita ng donor ang pasyente. At minsan, kahit naghihingalo na ang pasyente, hindi bibigyan ng hospital ng dugo ang pasyente kapag walang donor. Mahalaga ang dugo. Blood is indeed the fluid of life.

Sa pagpepenitensya ng mga taong nabanggit sa itaas, kung sakali mang gagawin nila ang blood donation, nasayang ba ang dugo nila? Kesa naman sa ma-splash lang sa mga jeepney, sasakyan, public works (mga tulay at daan), para sa akin, mas maganda nga namang i-donate na lang. That may be the best penitence that I may suggest. Dun, pwedeng maisakatuparan ang picture taking, ang pagkain at pag-inom ng tubig, at pagsasagawa nito sa hindi mainit na lugar, at walang manghuhusga sa'yo. In fact, you might be a hero in the eyes of everyone. At ang dugong isinakripisyo, buhay ang katapat para sa ibang tao.

Don't get me wrong. I'm not bringing you to the blood donation here. Hindi ko din naman sinasabing mali ang self-flagellation. May mga kanya-kanya tayong paraan ng pagsasakripisyo, and that, I respect. May mga taong sincere talaga sa penitensyang ginagawa nila, at dahil dyan, saludo ako sa kaya nilang gawin. Pero sa palagay ko, kung mayroon tayong tamang paglalaanan ng mga sakripisyong ito, at nasa tamang lugar, life would be better.

Guys, have a solemn, fruitful and holy week.

Labels: , ,

3 Comments:

At Thursday, March 28, 2013 , Blogger fiel-kun said...

Naku tama po kayo jan. Ako man ay hindi sang ayon sa paglalatigo or pagpapapako sa krus tuwing panahon ng kuwaresma. I mean, kahit si Lord hindi magugustuhan na sinasaktan mo ang sarili mo para lang maihingi mo ng kapatawaran ang mga kasalanan mo sa Kanya. Marami naman paraan para humingi ng kapatawaran or pagsisihan ang mga nagawa mong pagkakasala. Magdasal at sundin ang mga mabubuting gawain ng ating poong Maykapal :)

Blessed Maundy Thursday po!

 
At Friday, March 29, 2013 , Blogger ignored_genius said...

Agree ako sa yo at pareho tayo ng pananaw din sa gawaing ito. Saktong sakto. Hindi ako against, pero di rin ako agree. sino ba naman kasi tayo di ba para husgahan sila. Pero minsan, nakikita din natin kasi yung mga hindi na tama tulad ng yun nga, pagpapapicture pa o kaya e may mga assistant na parang hindi na sakripisyo talaga yung ginagawa. pero sayang nga naman yung dugo ano? Kung ako papipiliin, sana kumpisal na lang. Nice post bro.

 
At Thursday, April 11, 2013 , Anonymous bagotilyo said...

Nakita ko yung point mo dito. Nasa gitna din ako bilang respeto sa paniniwala nila. kung gumagaan ba ang pakiramdam nla after nila gawin yun. Sino ako para kwestyunin yun.

Pero may mga iba pa namang paraan. Hindi naman kasi sa nawalang dugo nakikita ang sincerity nang pagpepenitensiya :)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home