Pride: Sabong Panlaba, o PRIDE lang ba talaga?
Heto ang kwento:
Nag-uusap-usap kaming magkakasama sa simbahan tungkol sa lakad namin for summer. Celebration, dahil nanalo ang kupunan namin sa basketball - champion sa Juniors division, at second placer sa Seniors division. Naisipan kong mag-trip sa mga kasama ko, mga sobrang close kong kabarkada. Sabi ko, wag na silang sumama dahil hindi din naman namin sila gustong isama, dahil hindi naman sila pumasok sa court. Agree naman ang mga kasama naming iba.
Una, umalis sila. Tampo kung baga. Kunyari uuwi na daw sila sa bahay nila. Syempre, magbibilang nyan kami ng 10 para bilangin namin ang oras para bumalik sila ulit. Alam naman namin kasing babalik at babalik sila. Bumalik nga. Bumabalik silang tumatawa at parang walang nangyari, dahil alam naman nilang jino-joke namin sila.
Nanggatong na naman ang isa naming kasama. Siningit na naman ang pag-ayaw naming isama sila. Syempre, naki-sali na naman ang inyong lingkod. Yung tipong, sige, alis na daw kayo. Ayaw naman nila kasi talaga kayong kasama. Hanggang sa naging seryosohan na ang usapan. Seryoso silang tumayo at nagsabing uuwi na talaga sila. Tahimik ang lahat. Naglakad sila papalayo. Seryosong pag-uwi. Walang imikan. Nang biglang may sumigaw..
"Oh sorry!"
Ewan ko. Parang isang reflex lang ang nangyari. Masyado kasing seryoso ang atmosphere na feeling ko hindi na talaga sila babalik kapag di namin sila tinawag para bumalik. Napatigil ang mga mokong. Ang mga kasama ko, napatunganga sakin dahil sa sinambit ko. After approximately 2 seconds. Tumalikod sila. Humahalakhak. At bumalik sa kinauupuan. Tumatawa pa din. Biglang nagsalita ang isa.
"Wow. May maipagmamalaki na ako sa Twitter. First time kong narinig nagpa-sorry si kuya. At sa atin pa."
Sumunod ang isa.
"Nakakapanibago. Si kuya, nagpa-sorry?"
Tawanan ang lahat. Pero deep inside, napapaisip ako.
Ma-PRIDE ba talaga ako?
Sabi ng kaibigan nating si Wikipedia, ang pride ay isang "inflated sense of one's personal status or accomplishments". Sa Pilipinas, ang pride ay isang sabong panlaba. Joke. Ma-pride ba ako dahil madalang lang ako mag-sorry?
Ang 5 + 1 standard sa paglalaba. |
Tinanong ko iba sa mga kaibigan ko tungkol sa bagay na 'yun nung nakaraang araw. Ma-pride ba talaga ako? Hindi sila maka-imik. Silence means yes, eh? Haha. Tanong ako ulit. Ano ba ang dahilan at nasabi nyong ma-pride ako?
Sumagot ang isa. Ang pinaka-frank sa mga kaibigan ko. Deretsahan.
Kasi, ayaw mong magpatalo.
Flashback. Flashback. Flashback. Simula nang makasama ko sila hanggang sa ngayon. May mga naalala akong pagkakataon na minsan, may mga bagay na pinagtatalunan, pinagdedesisyunan. At tama nga sila, ayaw ko ngang magpatalo. Siguro, nagka-idea syang ganun nga ang problema nang minsang kasama akong nagte-train ng mga kasama naming makikipag-laban sa volleyball. Sa isang team, masaya sila. Laro-laro lang. Sa team ko, seryoso. Walang imikan, seryosong laro. Kapag nagkakamali ang kalaban, tumatawa lang sila. Sa team ko, kapag may nagkamali, tahimik lang. Silent war.
Bigla kong nasabi sa mga kasama ko sa team, "sorry guys, ayaw ko lang kasing matalo. At ayaw na ayaw kong laro-laro lang tayo, seryoso dapat, dahil sa bandang huli, kapag natalo tayo sa sportsfest, tayo din ang kawawa."
Di ko alam kung mali ba ang disposisyon ko noon, o sadyang natural lang sa isang trainor ang maging seryoso dahil may laban pa kaming sasalihan. At isa lang ang nagsalita sa akin, yung tao ulit sa itaas. "Kuya. Alam na namin yun. "navigator" ka kasi. Perfectionist." Prangka talaga. Pero magkahalong pakiramdam ang naramdaman ko non. Masaya ba dahil naiintindihan nila na perfectionist ako dahil gusto ko silang manalo? O malungkot dahil nape-pressure sila dahil sa gusto ko tama lahat?
Di ko alam. It is until I came to a realization. Ma-pride nga siguro ako. Gustuhin ko man o hindi, may mga pagkakataon din sigurong ayaw kong magpatalo, na gusto kong matupad ang gusto ko. May kasama din naman akong nakaka-appreciate sa pagka-navigator ko. Na may desisyon daw akong nakakapagpa-buti sa lahat ng bagay. Meron din siguro akong desisyon na mahirap sundin.
Parang LEON. Stands proud. |
My type of pride may be a two-edged sword. Pwedeng ikabuti, o pwede ding makasama. And I think that I'm already starting to fix that up. They are friends. Long-time friends. At hindi ko gustong masira ang friendship dahil lang sa stupid pride, sa ayaw na matalo. Magpapa-sorry na din siguro ako kapag may nangyaring di kaaya-aya. More humility. More guidance from up above.
At sa kaibigan ko sa itaas na sobrang prangka, salamat.
Pero isang bagay lang ang masasabi ko. Mabisa din ang Pride. Ang 5+1 standard sa paglalaba. ^_^
Labels: Personal
2 Comments:
Ang maganda ngayon alam mo nang ma pride ka and you are starting to do something about it :)
ma pride din ako pero ngayon di na masiyado. hhehehhe
Pabili po ng pride kuya. Lols! Ganyan din ako madalas. Katwiran ko, kung tama bakit mo kailangang mag back down? Di bah? Hehe
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home