It's Payback Time
Minsan, may naririnig akong ungol na galing sa salas. Isang tunog na hindi ko mawari kung ano ba ang pinanggagalingan. Sa pagkakarinig ko, hindi ito ungol ng kaligayahan, hindi rin ito ungol ng lungkot at pag-iyak. At kapag nakikita ko na kung sino ang umuungol, tiyak matatamaan ako agad. Ito ay ungol ng sakit. Ungol na galing sa sumasakit na kamay ng aking inay. At ang impit na ito ay galing sa sobrang pagpipigil na nya sa sakit, pero hindi pa din mapigilan.
Matagal na nyang iniinda ang sakit nya sa katawan. Di ko naman masigurado kung ano talaga ang rason kung bakit, pero nang minsang magpatingin ang aking ina sa doktor, pinayuhan syang magpa-opera, pero dahil sa takot sa mismong procedure at takot sa sobrang laking gastos ng operasyon, pinili na lang nyang indain ang sakit.
Nurse ako. Pero wala akong magawa. Di na epektib sa kanya ang touch therapy o ang pahaplos-haplos. Umaasa na lang sya sa malalakas na pain relievers na binigay ng doktor tuwing susumpungin ang kamay nya. Minsan, pinupukpok pa nga nya sa pader ang kamay nya dahil sa sobrang sakit. Isang paraan na siguro para ma-divert ang sakit. Pero hindi pa din ito mabisang solusyon para sa sakit ng kanyang kamay.
Lumaki kami sa piling ng aking ina. Lumaki kaming sya ang gumagawa ng lahat - mula pagpaplantsa, paglalaba, paglilinis, pagluluto, at marami pang iba. Lahat ng gawaing bahay ay halos master na nya. Minsan, palagi nyang sinasambit na kahit hindi na kami tumulong, basta ba gawin namin ang responsibilidad namin sa skwela. Hindi ko naman sya ipinapahiya. Hangga't maaari, gusto ko, umakyat sa stage ang nanay ko every year. Hindi ko din naman pinagkait sa kanya 'yun.
Sa tuwing makakakuha ako ng medal, certificate, o isang sulat na nagsasabing nakakuha ako ng mataas na marka sa isang subject sa skwela, sinisigurado kong sya ang unang makakaalam at makakakita. Parang pampalubag-loob na sa pasakit na dinadanas nya araw araw. At ngayong malaki na ako, isang bagay lang ang nasa isip ko - IT'S PAYBACK TIME.
Siguro isa na ding rason ang nanay ko kung bakit papasok ako ulit sa skwela para maging doktor. At sana, tulad ng nangyari dati, umakyat sana ulit sya sa stage, every year, dahil may recognition. Hindi sana, dapat. And kaligayahan nya dahil sa achievements ko ang posibleng gamot sa mga nananakit nyang mga kamay. At kapag doktor na ako, ako mismo ang gagamot ng literal sa kamay nya.
Halos lahat ng mga pangarap ko para sa kanya ay mga farfetched dreams. Yung tipong kapag naging mayaman ako, papagawa ko sya ng bahay, dadalhin ko sya sa ibang bansa (na natatakot daw syang baka hindi maging totoo dahil natangay ng baha ang birth certificate nya, haha), at sya ang hahawak ng kikitain ko kapag doktor na ako (which is not impossible to happen, sya pa? Haha). Matagal pa bago ko maisakatuparan ang mga pangarap na ito, but every day of my life, I think, is a step towards the fulfillment of these dreams.
Lahat ng ito ay para sa aking nanay. Bumabangon ako araw-araw, dahil isa sa mga purpose ko sa buhay ay magbayad ng utang sa aking nanay. Sabihan nyo na akong isang napakalaking mama's boy pero karapat-dapat lang talagang kumapit ako sa aking ina. She's been taking care of me, like 50 years? Where in fact, I am just 22 years old. Ganyan sya mag-alaga.
Darating ang araw, mawawala din ang sakit ng kamay mo, ma. At ako ang gagamot nyan. Pramis! Haha. Kung ayaw mo talagang ipa-opera yan, ang anak mo ang mag-o-opera. ^^ At kapag magaling ka na, hindi ka na maglalaba. Gagamitin mo na lang ang mga kamay mo, panghawak ng baso sa Starbucks. (lol) Gone are the days na naglalaba ka, nagpaplantsa, naglilinis. Buhay donya. Yan ang pangarap ko para sa'yo.
Napakalaking cliche na para sa atin ito, pero guys, sorry, I have the best mom in the world. Proud ako sa kanya kahit palagi nya akong inaaway dahil tamad daw ako. (Mabait kaya akong anak?!)
Madalang ko lang sabihin sa'yo to, ma, pero ma, "Apoy ka ba?"
Kase. ALAB YOU! Happy Mothers' Day! (Mothers' nga ba or Mother's?!)
(At kung totoo ko mang sinabi sa'yo ang banat na yan, nasapok na ako. Haha)
Darating ang araw, mawawala din ang sakit ng kamay mo, ma. At ako ang gagamot nyan. Pramis! Haha. Kung ayaw mo talagang ipa-opera yan, ang anak mo ang mag-o-opera. ^^ At kapag magaling ka na, hindi ka na maglalaba. Gagamitin mo na lang ang mga kamay mo, panghawak ng baso sa Starbucks. (lol) Gone are the days na naglalaba ka, nagpaplantsa, naglilinis. Buhay donya. Yan ang pangarap ko para sa'yo.
Napakalaking cliche na para sa atin ito, pero guys, sorry, I have the best mom in the world. Proud ako sa kanya kahit palagi nya akong inaaway dahil tamad daw ako. (Mabait kaya akong anak?!)
Madalang ko lang sabihin sa'yo to, ma, pero ma, "Apoy ka ba?"
Kase. ALAB YOU! Happy Mothers' Day! (Mothers' nga ba or Mother's?!)
(At kung totoo ko mang sinabi sa'yo ang banat na yan, nasapok na ako. Haha)
Oh, diba ma? Instagram pa ang picture na yan! Hahaha. LOL |
Labels: Personal
3 Comments:
Awww,, napaka sweet naman ng story mo about your Mom :) I'm sure she is very proud to have a loving and caring anak like you.
Hindi talaga matatawaran ang pagmamahal at dedikasyon na inuukol nila para sa atin.
Feliz Día de las Madres!!!
Thank you Fiel-kun! We are blessed with moms that we truly deserve. At deserve din naman nila ang pagmamahal galing sa mga awesome kids tulad natin. hehe
Happy mother's day din sa nagluwal sa'yo! ^^
hindi totoo yan! nanay ko ang best mom in the world! lols!
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home