PMA (Pahinga Muna, Anak)
Kamakailan, habang kami ay nasa bahay ng aking lola, paglabas ko ng kusina ay narinig ko ang nanay ko kausap ang aking tiya, na sinabi daw ng isa ko pang tiya na "naaawa daw sya sa akin, dahil parang napagkaitan daw ako ng kabataan nang dahil sa pag-aaral."
Siguro, may mga pagkakataon ding nasasabi ko sa isip ko na tama nga ang sinabi ng tita ko. Na napagkaitan ako ng kabataan. Nabuhay ako ng 22 years na puno ng pressure - ako ang kuya ng buong pamilya, na inaasahang posibleng bumuhay sa pamilya sa hinaharap. Ako din ang maituturing na "achiever" sa bahay, dahil maganda naman ang performance ko sa school. Pressure diba? May mga pagkakataon noong grade school ako na grounded ako dahil ayaw kong mag-aral para sa "Spelling Bee" na hindi naman kailangang ireview. Nang high school, napakalaking parusa sa akin nang malipat ako ng second section dahil sa computer games. At nang college, nawalan ako ng "night life" dahil sa pag-aaral ng mabuti. Kung ikaw ang makaranas nito, masasabi mo bang napagkaitan ka ng kabataan?
Ako, napagkaitan ba ako ng kabataan?
Siguro. Siguro dahil kung titignan mo ang "bell curve" at ang standard deviation ko sa mga ka-edad ko, nasa outliers siguro ako, o yung mga nasa lugar na hindi pangkaraniwan (kung sa imahe sa itaas, nasa asul na mga punto siguro ako). Outlier dahil hindi ako nakapaglaro ng tumbang preso kasama ang mga bata sa daan, hindi nakapaglaro ng patintero kasama ang mga pinsan araw-araw. Dahil hindi ko na-enjoy ang rebellious phase ng high school, walang ganoong katinong barkadahan, at hindi nakatikim ng alak o nakapunta man sa mga bar dahil wala akong nightlife nung college. Malungkot siguro ang buhay ko. At nasabi ng isang kaibigan, masayado daw "predictable" ang buhay ko, dahil napaka-plantsado ng buhay ko. Dry. Tuyo. Barren.
Kailangan kong tanggapin ang mapait na katotohanan, na napagkaitan nga ako ng kabataan. Pero kung tutuusin, nang dahil sa pagdadamot sa akin nito, nabigyan naman ako ng masaganang kinabukasan. Ang mga achievements na natanggap ko simula nang bata ako, mga honors, pagpasa ng board exams, at ang ngayong estado ko, bilang studyante ng medisina, at mga nalalaman ko ngayon, ay bunga ng pagdadamot nila nang bata ako. At dahil dito, siguro nama'y may naghihintay sa aking napakagandang kinabukasan, hindi lang para sakin, kundi para sa pamilya ko na din, at para sa mundo.
Kung matapos ko man ang kursong ito, dadagdag ako sa mga doktor na kasalukuyang nagkukulang sa Pilipinas. May isang doktor na sasama sa mga medical mission na kung saan maraming mga tao ang nangangailangan. Isang doktor na posibleng makagamot sa isang hindi pa magamot na sakit. At higit sa lahat, isang doktor na may takot sa Diyos.
At dahil sa mga bagay na naghihintay na 'yon, siguro, hindi muna ako magpapahinga. Sabi sa amin ng mentor ko sa school, in Medicine, you learn continuously, even after you graduate. Kaya siguro, hindi na talaga ako magpapahinga sa pag-aaral. At kung yung duktor sa taas ang kapupuntahan ko, ay wag na talaga akong magpahinga. Dahil yun ang kailangan sa kasalukuyan, at may tsansa akong mapunan ang pagkukulang.
Kung sigurong magkaka-anak ako, at mayroon silang mga pangarap na mukhang napakaimposible, itutulak ko pa din siguro sila. Dahil minsan, ang mga bagay na napakaimposible ay nasa ganoong estado dahil sila ang pinaka-kailangan ng lipunan. Sabi nga ng isa pang blogger, "Be Unrealistic and Dream the Unattainable." Ipe-pressure ko sila ng naaakma sa kapasidad at sa mga pangarap nila, tulad ng ginawa ng ina ko, dahil darating at darating din naman ang araw na maiintindihan din nila kung bakit ko ginawa yun.
Ngayon, outlier na kung outlier. Tulad ng isang napakasikat na quotation na "because being normal is too mainstream." Di ko man naenjoy ang kahapon, eh siguro maeenjoy ko ang kinabukasan. Nang dahil sa pressure, naging masaya din naman ako kahit papaano, dahil maraming nalalaman, at nagbubunga din naman lahat ng paghihirap. Siguro, passion ko na talaga ang learning. Kaya, thanks, 'ma! :)
Image Credit |
...pero joke lang ang sabi ko sa itaas. Uminom din naman ako ng alak nung college. Pero konti lang, siguro dalawang bote lang ng RH simula first year hanggang graduation. Honesto, pramis!
Merry Christmas and a Happy New Year, mga kaibigan!
2 Comments:
di ka lang nag iisa... alam ko marami ding ganyan.... ang mahalaga maabot ang mga pangarap...
sabagay nakaka miss din ang kabataan... un bang nagawa mong mag enjoy.... pero kung hindi naman... ang mahalaga mas maagang nakatayo para harapin ang hamon ng buhay...
Merry Christmas....
hindi ako honor student or sobrang paraaral pero hndi rin ako gaya ng ibang kabataan na iyong nabanggit. na-survive ko ang highschool and college na walang night life.
pero bukod sa nature ko na siguro ang pagiging homebody and weird, it think na-enjoy ko naman ang aking kabataan. parang siguro nagkataon lang na kakaiba yung nagpaapsaya sa akin kaysa sa iba. kasi di ba sa ibang girls- make up and boys. sa akin naman anime and extra curricular activities.
naku-curious ba ako sa night life, inuman at barkadahan - oo naman. pero hndi ko pinagsisihan kung ano man yung pinili ko. tama ka naman e, at least ma-e-enjoy mo ang kinabukasan.
mabuhay and more power sa iyong pag-aaral.
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home