Stay, or Go Away?
Kanina, kausap ko ng masinsinan ang kasama kong Christian galing sa ibang denomination when it comes to faith and Christianity. Tinanong ko sya ng isang tanong na matagal ko nang gustong tanungin, isang tanong na bumubulabog sa sarili ko bilang isang Kristiyano.
"Kung hindi ko na nararamdamang lumalalim ang paniniwala ko sa denomination ko ngayon, anong advice mo, lumipat ako ng ibang denomination, o mag-stay na lang akong ganito?"
Nabigla ako sa sagot nya, actually, hindi ko inaasahang ganun ang isasagot nya sa tanong ko. Expect ko na sabihin nyang tumiwalag na ako sa denomination ko ngayon, at lumipat na sa kanila. Kung ibang denomination siguro sya galing, ibang sagot siguro ang matatanggap ko sa kanya.
Sa totoo lang, lumalim ang paniniwala ko nang makasama ko sya - I've learned how to say grace regularly, naenganyo akong magbasa ng bible, na-hikayat akong magtanong sa kanya kapag may hindi ako maintindihan sa binabasa ko, andyan ang tatay nyang pastor kapag di nya mismo masagot, at talagang nararamdaman kong lumalim ang paniniwala ko nowadays - a thing that I am currently not experiencing (or somewhat unfelt, or lacking) in the place I am currently in. Naenganyo din akong gamitin ang talents ko in service of the Lord. I can say that I was brought closer (really closer) to God.
Hindi ko alam. I'm not bashing the denomination I am currently in - it has given me the best foundation that I needed para maging isang responsableng Christian, in this church I am in, God was brought to me, bata pa lang ako. I was taught how to pray, and how to do good.
But with the church that he has shared with me and my friends, I knew I felt deeper faith, at mabilisan lang yun, in one year. Take note.
Ang sagot nya? Simple.
"Ganito yan, wag kang lumipat. Kung alam mong hindi na nagde-deepen ang faith mo, na nagiging stagnant na ang paniniwala mo at ng mga churchmates mo, gagawin kang instrument ni Lord para ma-deepen ang faith mo at ng mga kasama mo sa church. Wag kang lilipat - yun ang pinaka-maling bagay na gagawin mo. Wag na wag mong iiwan ang ministry mo. Ikaw na mismo ang magsimula ng pagbabago."
I was struck. Di ko alam ang isasagot. Expect ko kasi, palilipatin nya ako. Kasi nga naman hindi na lumalalim. Pero hindi. His understanding is far deeper than mine - at nakakahiya kasi napaka-immature ng iniisip kong sasabihin nya. At naaalala ko pang palagi nyang sinasabing I should have my own ministry sa church, kasi, kung magiging passive lang ako at makikinig sa sermon every Sunday, walang patutunguhan ang ginagawa ko. At ang constant reminders to read the bible and if given the chance, share it with others is a really nice deed. Iba talaga tong taong 'to. Idol. God needs more of these types of persons.
Sa bagay, ang "church" nga naman kasi ay hindi isang structure. Isang gathering 'to ng mga tao. Kahit dalawa lang kayo, church na yun, lalo na kapag may sarili kayong hangarin at paniniwala. Sa ngayon, my group of friends, we're a church. May pamilya din naman ako. That's another.
PS: Alam mong hindi ka din naman nagbabasa ng blog, di ka din naman kasi mahilig. Pero isa lang ang masasabi ko - idol na idol na kita! Saludo! Ay, tutu man!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home