Friday, September 21, 2012

Dyipni Etiket: Anong kailangan mong malaman

Siguro naman ay nasabi ko na sa inyo na halos buong buhay ko, ang jeepney ang aking naging main form of transportation. Simula pagkabata ay namulat na ako sa paggamit ng public transportation. Marami akong mga karanasan sa jeepney, maraming masaya, marami din namang nakakainis at nakakalungkot. Dahil na din sa paggamit ko ng jeep ay marami na din akong nakasalamuhang iba't-ibang personalidad at pagkatao. Ika nila, kapag hindi mo pa matikmang sumakay sa jeepney, hindi ka Pilipino. May tama din ang nagsabi nito, dahil ay jeepney natin ay "Proudly Filipino."


Cool jeepney!
Photo Credit
Marahil ay marami na din kayong mga naranasan sa pagsakay nito. May mga pagkakataon na natutuwa kayo sa inyong mga nararanasan, meron din namang katulad ko, ay naiinis sa mga taong kasakay dahil sa napakaraming kadahilanan. May mga pagkakataon kasing medyo bastos ang nakakasakay, medyo maingay, o kaya'y may mga nagagawang mali kahit hindi man sila kumilos. Ganun na lang siguro talaga.

Sa ating lipunan, mayroon tayong tinatawag na "etiquette." Ang mga etiquette na ito ay ang inaasahang asal ng mga tao sa isang pagkakataon. Mayroon tayong "restaurant etiquette", kung saan dapat ang napkin ay nasa kandungan hanggang matapos kumain, atbp. Hindi man natin nababatid, pero mayroon din "etiquette" na dapat sundin sa pagsakay sa pampublikong transportasyon.

Bilang isang mamamayang nakikinabang sa jeepney, may mga na-establish na din akong sarili kong "jeepney etiquette", na maaring meron din kayo. Heto ang listahan:

1. Ipapalit ang pera bago pa man sumakay ng jeepney. Laging tandaan na barya-barya lang ang pera ng driver, at malaking paghihirap ang kanyang dadanasin para lang maipapalit ang pera mo. (Style ito ng mga ayaw magbayad, dahil ibabalik ito ng driver sa pasahero at di na pagbabayarin.)

2. Iabot ang pamasahe, kung nakatapat na sa'yo ang kamay ng nagpapasa. Maraming mga pasahero ang ganito. Nagtutulug-tulugan o kunyaring nagtetext para hindi maiabot ang pamasahe. Naku naman, kaunting effort lang naman yun, exercise din naman. Sa simpleng gesture na 'to, naipapakita natin ang bayanihan ng mga Pilipino!

Libre ang magpasalamat!
Photo Credit
3. Kapag kinuha sayo ang pamasahe mo, at/o iniabot din sa'yo ang sukli, wag mong kalimutang magpa-"Thank you". Walang bayad ang magpasalamat.

4. Kapag nakaupo ka na, at lalo na, lalake ka, ipit lang ng konti. Maraming space ang nao-occupy ng mga taong kulang na lang ay mag-180 degrees ang kanyang mga binti. Konting ipit, hindi naman mababasag ang mga itlog.

5. Kapag may pasaherong 1/4 na lang ng puwitan ang naka-upo, konting usog lang. Lahat naman tayo ay ayaw maranasan ang ganito, diba? Special consideration din po tayo sa mga buntis at senior citizen.

6. Kung wala na talagang magagawa, at puno na ang jeep, 1/4 na lang ang naka-upo sa isang babaeng pasahero, take the initiative. Best men ang lalaking nagbibigay ng upuan nya sa nahihirapang babae. Matutumbasan din ito ng isang napakalaking smile galing sa babae, sigurado yun. Solved.

Ohhh yeah.
Photo Credit
7. Kung may kausap ka sa telepono, o personal, please keep your voice low. Hindi mo kailangang i-broadcast na dalawa ang syota ni Jun, na buntis yung anak ng boss nyo sa trabaho, o may boyfriend na yung kapitbahay nyong maganda. Hindi ito kailangan ng iba pang pasahero. Kaya tahimik lang.

8. Kapag may bagahe ang sasakay, mapa-lalake man ito o babae, tulungan. Ulit, best men ang tawag sa gagawa nito. Mahirap sumakay sa jeep ng may buhat-buhat, at kung sa'yo din gagawin ang pagtulong na ito, maganda ang pakiramdam, diba?

9. Kung sabik na sabik ka na talagang humithit ng sigarilyo at talagang nanginginig na ang kalamnan mo, mag-candy ka na muna. Ayon sa RA 9211, ang pagsi-sigarilyo sa jeepney o anumang public transportation ay ipinagbabawal, at may kaukulang multa sa kung sino man ang mahuli. Gobyerno, paki-implement naman po ng maayos!

10. Kung estudyante ka o senior citizen, pakibanggit naman. Maingay sa daan, at may mga tao ding maingay tulad ng sa number 7. Pwedeng hindi ka marinig ng driver. Kung kulang ang sukli, pakibanggit na din. Wag magsabi-sabi na hindi binigay ng maayos ang sukli, tao lang din ang driver, at pwedeng magkamali.

Marami pang rules ang pwede nating maidagdag sa mga ito. Laging tandaan na ang ating sinasakyan ay pampubliko, at dapat din nating respetuhin ang karapatan ng iba, para tayong lahat ay masaya. :) Kung tinamaan tayo dito, peace!

Labels:

16 Comments:

At Thursday, October 04, 2012 , Blogger KULAPITOT said...

swak na swak to hahahaha. natawa tlga me ..

 
At Thursday, October 04, 2012 , Blogger ventocoseuss said...

Maraming salamat po sa pagbasa! Marami po talagang dapat mangyaring pagbabago, lalo na't ito ay public transportation, at ito ay proudly Pinoy. :)

 
At Thursday, October 04, 2012 , Anonymous grace said...

Ang isang talagang kinakainisan ko ay yung mga naninigarilyo kahit may no smoking sign. Lately, kinakainisan ko narin ang mga naka sleeveless na guys na walang ligo. Hehe

 
At Friday, October 05, 2012 , Blogger Ron Leyba said...

Dapat meron kang last but not the least! God Knows Hudas Not Pay haha. Saw those kind of signs before. Di ko alam if meron pa sa mga jeep neto nowadays.

 
At Friday, October 05, 2012 , Blogger Unknown said...

This post reminded me of an obvious newbie jeepney passenger. He stretched out his arms to give his fare to the driver (tama namn nga...) Then he said, "Ma, pera oh!" (Nyahahaha!!! Oo nga nman...hihihi..)

True story.

 
At Friday, October 05, 2012 , Anonymous ralph said...

ang iba kasing tao e walang pakialam sa sasabihin ng iba at kung anong iisipin nila. hirap lang kung nakakabastos o agrabyado ka na... mali na yun. good list. Yahweh bless.

 
At Friday, October 05, 2012 , Blogger Simplymarrimye said...

Sa totoo lang, TOTOO lahat ang mga senaryong ito dahil araw-araw akong sumasakay sa dyip. Hmmmmm...

Oh, konting kilos naman po jan. Araw-araw ginagamit ang jip. Maluwag pa po sa loob!!

Hahahaha!!

 
At Saturday, October 06, 2012 , Anonymous Ness said...

Ahahaha! I rarely ride a jeepney nowadays but i am not novice to these type of scenarios. Its just funnier when we get to read this but surprisingly annoying in real life. Hahahah!

 
At Saturday, October 06, 2012 , Blogger mommygiay said...

Pakisabihan dun yun mga long hair girls naku marami dito eh estudyante, pakitalian ang mga buhok nila kasi not all the time eh bagong shampoo sila. Most of the time hinahayaan nila lumipad lipad ang buhok nila sa katabi, kakainis feel ko hilahin ha!ha!

 
At Saturday, October 06, 2012 , Blogger YANI said...

In short, lahat tayo pantay-pantay sa pagsakay ng pampublikong sasakyan, ano man ang suot mo, kulay, edad, propesyon at pinaggalingan :) Good article!

 
At Monday, October 08, 2012 , Anonymous Karen said...

Marami din akong naranasan sa mga tinuran mo. Nakakainis na lang patulan ang mga taong walang pakialam at walang sentido kumon kapag nakaupo na sa loob ng dyip na feeling nila e sa taxi sila nakasakay.

 
At Monday, October 08, 2012 , Blogger Bluesolstice said...

Mukhang useful nga to sa mga hindi pa nakaka try sumakay ng jeep. :-)

 
At Tuesday, October 09, 2012 , Anonymous special education philippines said...

Ang sarap naman i-post ito sa lahat ng jeepney. Ang pinaka hindi ko nagugustuhan ay ang mga taong hindi nag-aabot ng pamasahe kahit kalabitin mo na sila. Minsan kunwari tulog o kaya hindi ka talaga papansinin. Wala naman sanang problema kung ayaw talaga mag-abot pero sila kasi ang malapit sa driver. Ang nangyayari tuloy eh iaabot pa ng driver ang kamay nya at lilingon sa likod na maaring mag-resulta sa aksidente kasi di sya nakatingin sa kalsada.

 
At Tuesday, October 09, 2012 , Anonymous jsncruz said...

Too many people don't say thank you enough on jeeps! This article should be made compulsory reading for all public commuters haha.

 
At Wednesday, October 10, 2012 , Anonymous Justin | Hari ng Lakbay said...

Kung gagawan ako ng Life Story sa MMK, siguro isang ang "Dyipni" sa maaaring maging titulo na hinuhulaan sa huli ng programa. Itinuturing ko ang buhay ko ngayon na Pangalawang Buhay matapos ako mabundol ng dyip sa bayan namin sa Batangas... naku pang-MMK talaga kung ipagpapatuloy ko pa ang pagkwento hahaha

 
At Wednesday, December 05, 2012 , Anonymous Anonymous said...

Matagal ko na napapansin na karamihan sa mga umuupo sa jeep, hinahampas muna nila yung upuan saka uupo, minsan dalaawang hampas, minsan isang malakas na hampas. Kadalasan ginagawa ito kapag may bumabang pasahero at lilipat yung isang pasahero dun sa inupuan nung bumaba.

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home