Thursday, July 26, 2012

My Fortune Cookie

Nang minsang bumisita ako sa isang department dito sa hospital kung saan ako nagtatrabaho, may isang bagay na naka-pukaw ng aking atensyon - isang fishbowl na may kung ano-anong mga papel na naka-rolyo, at may naka-sulat, "Get your fortune cookie."

Sa tanang buhay ko, nakaka-dalawang fortune cookie pa lang ako. Ang una, binili ko sa isang sikat na Chinese fastfood chain sa Pilipinas. Ang mensahe? Hindi ko na maalala. Ang ikalawa, nakain at na-nguya ko kasama ng cookie. Mas lalong hindi ko maaalala ang laman nito. At ito, pangatlo. Pero walang cookie. Fortune cookie na walang cookie. Cool!


Hindi ko man expect na papel lang ang "fortune cookie" nila, dahil ang pagkakaalam ko, may cookie yun, diba? Haha. Pero syempre, dahil mahilig akong makialam sa mga bagay-bagay, naisipan kong bumunot at mag-try naman kahit isang beses lang.

Nakabunot ako ng isang kulay dilaw na papel. Isang papel na magsasabi ng aking "kapalaran". Isang papel na pwedeng mag-dikta ng aking kinabukasan, ang kinabukasan ko, kinabukasan ng bansang Pilipinas. Syempre, drama lang yan. "Just for fun" lang naman ang fortune cookies, ika nga nila.

Binuksan ko ang naka-rolyong papel, at nabasa ang nilalaman nito. Nabigla ako sa kung anumang nakasulat dito.

Now is the time to go ahead and pursue that love interest. :)
OK. Hindi talaga ako ang taong mahilig mag-venture sa topic na love. Di ko lang talaga type.

Love (Ingles)

Pagmamahal (Filipino)

Lugud (Kapampangan)

Sarang (Korean)

LHhUvV (Jejemon)

Kahit gaano ko man kalalim isipin (pumunta man ako sa aking "thinking chair", hindi talaga ako ang tipong magbubukas ng usapan at mag-iisip tungkol sa love. Madalas akong tanungin ng mga taong malapit sa akin, kung may nililigawan na daw ba ako, kung may girlfriend na ba, o kung bakit na-mention ko sa status ko si ganyan, bakit ganyan ang tawag sakin ni ganyan. Laging tinatanong sa akin yan, walang palya. Isama na dyan ang mga tagline na "ang gwapo mo na, dapat may girlfriend ka na." at "wooh, ang taas na ng sweldo mo, dapat manligaw ka na." Nakakasawa, alam ko namang gwapo ako pero hindi ako mayaman!! (kapal!)

Isa lang ang sagot ko sa mga yan. "Magpapaka-stable muna ako."

Ayaw kong mag-invest sa isang bagay ng walang puhunan, parang sumusugod ka sa giyerang walang dalang con**m (Joke lang). At ayaw kong mauwi sa isang malalim na bagay na kung saan pera ay isang malaking factor.

"For richer or for poorer."
Isang napakalaking cliche sa mga kinakasal. Pero gustuhin man natin o hindi, magiging masaya lang ang isang kasal (at isang pamilya) kung stable ang inyong pamumuhay. Magsisimula na ang away kung may mga problema na sa pera, kapag wala nang mapakain sa mga anak, kapag puno na ng utang ang pamilya. Mauuwi sa hiwalayan, at ang patutunguhan? Sirang pamilya. Mga batang walang maayos na magulang, at higit sa lahat, isang sakramentong napakasagradong nilabag. Sirang pangako.

Marahil napaka-hipokrito ko naman kung sabihin kong pera lang ang nagpapagana ng isang relasyon. Pero, tanggapin na natin ang realidad na halos lahat ng aspeto ng buhay may-asawa ay apektado ng pera. At dahil dyan, gusto ko muna talagang mag-ipon, para masaya ang buhay may pamilya.

Mamahalin ko muna ang sarili ko. Ang pamilya ko, susuportahan ko muna. At ang aking trabaho, matututunan ko ding mahalin. Yan muna, sa palagay ko, ang mga kailangan  kong ibigin muna sa ngayon.

Hindi talaga ako masyadong interested sa aspetong "love" sa ngayon. Pero syempre, may mga nakikita nang "prospective" pero wag muna siguro.

Fortune ko nga ba talaga yun? Abangan.

Labels:

2 Comments:

At Thursday, July 26, 2012 , Blogger L.Torres, RN said...

Natawa talaga ko dun sa LHhUvV. hahaha! Wagas! XD

Hindi ko pa na-try yung fortune cookie na yan. (na walang cookie) hehe.

...I-pursue na yan! Ayieeee! :))

 
At Thursday, July 26, 2012 , Blogger ignored_genius said...

ayun naman o. yihiiii!!! :P

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home