Tuesday, July 17, 2012

Heto na... Heto na.. Heto na.

For the English version click here. (Dahil pang-international na tayo!)

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Doo-bi-doo, bi-doo-bi-doo!



Tulad ng iba, ito ang unang beses na magsusulat ako sa wikang Filipino sa aking blog, ang KubetangPag-iisip. (Baho ng pangalan!) Ito ay dahil sa kadahilanang napapansin ko na mas maikli ang aking masusulat kung gagamit ako ng wikang Ingles (kung gagamit ako ng salitang Filipino, mapaparami ang isusulat ko. Haha). At dahil Agosto (Buwan ng Wika) na sa susunod na buwan, kaya ako ay susulat sa wikang Filipino [Palusot lamang].


Siya nga pala, ang inyong lingkod nga pala ay nagawaran ng "Versatile Blogger Award" na hindi ko talaga inaasahan, at laking pasalamat ko naman at may mga tao palang nakakapag-basa ng kung anumang isulat ko dito, at nagpapahalaga sa aking blog. Haha.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng "versatile"? Ayon sa ating kaibigang si Google Translate, ang ibig sabihin ng salitang "versatile" ay "maraming nalalaman". Hindi naman siguro marami akong nalalaman, marami lang akong mga karanasan sa buhay na maaaring hindi naranasan ng karamihan sa atin. Marami din akong mga ideyang masyadong kakaiba na minsan ako lang ang nakakaisip, o mangilan-ngilan lamang. Ang blog na ito ay naglalaman din ng sari-saring mga kwentong aking nararanasan sa pang-araw-araw na buhay.

Dahil siguro dito kaya naisipan akong gawaran ni The Ignored Genius ng award na ito. Isang award na hindi ko man inaasahan, dahil isang malaking pagkilala ito, dahil sa dinami-dami ng mga blog dito sa mundo, isa pa ako sa mga napili. Maraming maraming salamat sa pagkilala, Mr. Genius! :D

At dahil ako nga ay napili bilang isang awardee ng "Versatile Blogger Award", may mga bagay-bagay din na kailangang gawin:

1. Bigyang pasalamat ang nagbigay ng award sa iyo. Huwag din kalimutang mag”back link” sa kanya. 

2. Magpost ng pitong bagay bagay patungkol sayo. 

3. Magbigay ng award sa 15 iba pang blogger na tingin mong karapat-dapat at ipagbigay alam sa kanila na binigyan mo sila ng award na ito. 

Heto ang pitong bagay na maaari ninyong pagtsismisan tungkol sakin (haha!): 

1. Nakakapagbasa na ako ng Ingles, apat na taong gulang pa lang ako. Bago ako pumasok ng Kinder, may nagreklamo sa aming punong-guro na dapat, hindi muna ako papasukin dahil 4 years old pa lang ako (bitter?). Bilang isang hamon, pinagbasa ako ng isang madre (kasamang namamahalang eskwelahan) ng isang kapitulo ng bibliya. Nabasa ko ito ng maayos, at ako ay nakapasok ng kinder. Naikwento din ng aking ina na noong bata ako, mahilig daw akong mamulot ng kaha ng sigarilyo at nagta-tanong-tanong kung paano magbasa. 

2. Isa din akong nars. Marami man ang mga nars dito sa Pilipinas, sinsasabi ko sa'yo, hindi ako ang ordinaryong nurse na makikita mo. 

3. Gumagawa ako ng mga blog post diretso mismo sa blog na. Naisip ko dating gumawa muna sa word-processors tapos ay i-tsek ng mabuti bago ipalabas sa internet, pero tinamad ako, kaya diretso na.

4. Mahilig ako sa mga gadget, pero wala akong pambili. Maselan din ako pagdating sa mga gamit ko. Kapag pinahiram ko ang gamit sa ibang tao, kailangan din nila itong ibalik kung paano ko ipinahiram. Naniniwala akong dapat pangalagaan din nila ang gamit tulad ng paano ko ito pinangalagaan.

5. Nanalo na din naman ako sa raffle. At hindi ito pipitsuging raffle lamang. National ang labanan dito. Saang contest ka ba naman mananalo ng isang disposable camera, with 24 free shots, na magre-rewind at hindi mo na magagamit pagkatapos? Swertehan lang yan mga kapatid, ngunit kailangan, pulidong pulido ang pose ng mga kukuhanan ng litrato, sayang ang shot.

6. Isa akong Katoliko, at ako'y nagbabasa ng bibliya. Ito'y isa sa aking mga New Year's Resolution, ang basahin at matapos ang bibliya bago mag-2013. Bilang isang Katoliko, naniniwala din akong may katapusan ang mundo, pero depende pa din sa Maykapal kung kailan nya ito gagawin.

7. Isa akong obsessive-compulsive na tao, ibig sabihin, ang mga bagay na magulo na para sa akin ay magulong-magulo, ay kailangan kong ayusin bago ako masiraan ng bait. (Exaggeration lamang.) Mga magulong cabinet, mga lukot-lukot na pahina ng libro, at mga ma-mantikang plato at baunan, expert ako sa paglilinis nyan. Pero, ayaw na ayaw kong nagkakalkal ng gamit, dahil sa ayaw ko o hindi, aayusin at aayusin ko yun. Satisfaction guaranteed.

Heto naman ang mga blog na nais kong gawaran ng "Versatile Blogger Award". Dahil isang baguhan pa lang ako sa blogging, kakaunti pa lang ang mga nakikita kong nararapat para sa award na 'to. Pero i-uupdate ko ang mga ito kung sakali. 

1. ♥ lily's corner ♥. Ang blog na ito ay nakita ko na bago ko pa makilala ang totoong sumulat. Akalain mo, ang blog na dati kong binabasa, ay ka-trabaho ko in the future ang may gawa? Actually, magaling sumulat si Lily, at ang blog na ito ay sari-sari kaya't magandang basahin. At ang kanyang WonderPet na si Yuki, ang kaantabay nya sa pag-post sa blog na ito. 

2. My Seoul Stories. Dahil sa obsession ko sa Korea, ang lenggwahe at kultura nito, napadpad ako sa blog na ito. Ito'y isang magandang simulain, kung gusto mo talagang matutunan kung paano gumalaw at makisalamuha ang mga Koreano sa iba't ibang klase ng tao. Samahan si Woon-taek Chung sa kanyang adventure. 

3. akoaysalbahe. Akalain mong ang blog na hindi ko masyadong pinansin noong hindi pa ako blogger ay bibigyan ko nito? Hindi ako nagkakamali, isang magaling na manunulat ang gumawa nito. Alam kong kasama kitang nagawaran nito, at redundant na kung bibigyan pa kita, pero redundant din naman ang galing mo! Galing! 

Sa ngayon, yan muna ang mga nakikilala ko talagang mga blogger. Pero darating din ang araw na makakasalamuha ko din ang mga taong nararapat para sa award na 'to. Bawal gawaran ang nanggawad diba? Kaya hindi ko muna ilalagay dito ang The Ignored Genius. 

Natuwa ka ba? Edi like mo na! TheToiletThoughts sa Facebook.

Labels:

4 Comments:

At Tuesday, July 17, 2012 , Blogger ignored_genius said...

astig! malupet ang first post mo in Filipino, nars ventocosseus. hehehe. Pagpatuloy mo ang pagsusulat at pagsheshare kapatid! Congratulations :)

 
At Tuesday, July 17, 2012 , Blogger ventocoseuss said...

Maraming salamat! Haha.. Medyo kakaiba ang pakiramdam ng gumamit ng Filipino, pero kayang kaya naman pala! :D

 
At Tuesday, July 17, 2012 , Anonymous Anonymous said...

salamat ng marami sa iyong parangal kaibigan! :)

 
At Friday, July 20, 2012 , Blogger L.Torres, RN said...

Di ko pa nagagawan ng blog entry 'to. haha. Salamat ulit! :)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home