Thursday, August 23, 2012

The Jeepney Chronicles

Ang aking bestfriend, sa hirap at ginhawa.
Photo Credit
Malaking parte ng aking buhay ang mga jeepney. Pagmulat pa lang ng aking mga mata sa mundong ito, sumasakay na ako ng jeepney. Naabutan ko pang pamasahe - P 2.50. Murang-mura kumpara sa pamasahe natin ngayon. Pero balita ko, umabot pa ito ng piso dati. Ibig sabihin, hindi pa ako ganoon katanda. Haha



Simula elementary school, ako ay sumasakay na sa jeep. Ito na ang pangunahing "mode of transportation" ko papuntang eskwelahan, simula elementary, highschool, at college, at ngayong ako'y may trabaho na, ito pa din ang nagiging sandigan (lalim!) ko sa aking pang-araw-araw na ginagawa.

Dahil isa na akong "jeepney-person", marami na akong mga karanasan sa pagsakay nito. Isama mo na dyan ang mga aksidente (oo, aksidente!!), mga katakot-takot na pangyayari, mga nakakabigla, at ano-ano pa. Nakapag-obserba na din ako ng iba't-ibang klase ng tao na sumasakay ng jeepney (na aking ikukwento sa susunod na mga araw), na pwedeng nai-obserba nyo na din.

Bukod sa mga yan, mayroon din akong tila mga nakakatawang (ngunit nakakahiyang) pangyayari na naranasan sa aking pagsakay ng jeepney. At ang mga sumusunod ay ibibigay ko via ranking. Mula sa nakakahiya hanggang sa mga pinaka-nakakahiya! (Pero nakakahiya talaga!)

Mild:

Isang araw, habang ako ay nagmamadaling sumasakay ng jeep, napansin kong marami ding taong nakasakay sa jeep. Tumingin naman ako sa mga kasama ko sa jeep, wala din akong kakilala. Kaya nagbayad na ako. Sa aking pagmamadaling magbayad, ang aking nasabi.. "PABILI POOOOOOOOOOH!" (Oo, may H, dahil uso pa ang jejemon noon.) Tinginan lahat ng pasahero. Ang iba, palusot pa pero gustong tumawa.

Isang araw pa, pagsakay ko ng jeep, at magbabayad ulit, ay iba naman ang nasabi ko. Hulaan mo! :) "Para po." Tumigil ang jeep. Walang bumababa. Walang kumikibo. Matagal na naka-tigil. Masama ang tingin ng mga tao. Nagpa-sorry na lang ang inyong lingkod.

Mild - moderate:

Isang araw, pagkatapos ng klase, naisipan kong umuwi na, at habang nakasakay ako sa jeep, may ka-text akong classmate, about sa project na gagawin namin. Pero matapos dalawin ng antok, naisipan kong matulog muna sa jeep, pero hindi ko namalayang natulog ako nang nakahawak sa akin ang cellphone ko. Syempre, sabi nga nila, ang taong natutulog talaga ay nawawalan ng control sa sariling katawan, ay konti-konting nabibitawan ko ang aking cellphone hanggang sa *blag*! Napagising ang aking natutulog na katawang tao, at napansin kong ang cellphone ko ay nasa sahig, hiwa-hiwalay na. Ang battery, nasa dulo ng jeep, ang back cover ay nasa gitna, at ang main body ay nasa harapan ko. In other words, the doom is near. Isa-isang inabot ng mga pasahero ang mga parte ng cellphone ko, bayanihan to the finest!

Moderate:

Sa isang maulan na umaga, ako ay nagmamadaling sumakay sa jeep dahil wala akong dalang payong o kahit anumang panangga sa ulan. Ang daan, maputik, kaya pati sa loob ng jeep, basa. Habang ako'y sumasakay at naglalakad na sa aisle ng jeepney. *BLAG!* and the rest is history.

Isang umaga naman, makulimlim ang kalangitan, pero wala pa ding ulan. Sumakay ako sa isang jeepney na dumadaan sa expressway (na sobrang bilis!). Dahil ako'y pagod sa mga ginawa ko sa araw na 'yun, ako'y nakatulog, na nakabukas ang bintana ng jeep, dahil medyo mainit. Paggising ko, basang basa ang mukha ko at ang likod ng ulo ko. Basang basa talaga, kasama na dyan ang likod ko. Umuulan sa labas. Parang basang sisiw na bumangon mula sa pagkaka-lugmok. Kawawang bata. Na hindi man lang ginising ng kaharap nangg umuulan na.

Severe: (Heto. Sobra-sobrang severe na ang sitwasyon na ito.)

Sumakay ako sa jeepney kasama ang isang kaibigan, pero hindi ko na alam kung anong ginawa namin nang araw na 'yun at kasama ko sya. Normal na gawain lang, sumakay, magbayad, maghintay mapuno ang jeep, at tingin tingin sa tanawin na nasa paligid - hanggang sa makatulog na naman ang inyong lingkod. Natulog ako noon ng diretso ang katawan, ang ulo ay nakasandal sa bintana na nasa likod, at hindi gumagalaw ni minsan.

Nagising ako, at salamat at malapit na kami sa destinasyon namin. Habang mahapdi pa ang mata sa pagkaka-tulog ng medyo matagal, nakita ko ang kaibigan ko (na nasa tapat ko) na tawa ng tawa ng hindi ko naman alam kung anong pinagtatawanan. Pagkatapos mag-isip isip kung anong nangyayari, napansin kong ang ulo ko ay nakasandal sa aking katabi - isang kalbong lalake, malaki ang pangangatawan, at mukhang bouncer sa isang club. Tipong bubugbugin ka at ipapasipa kung may mangyaring masama sa kanya. Mabuti na lang at natutulog din ang tao, dahil lupaypay din sya habang natutulog.

Lokong kaibigan. Natawag pang kaibigan kung hindi man lang sasabihin ang mga nangyayari.

Marami pang nangyari sa akin sa pagsakay ko ng jeepney. Kasama na dyan ang mga nasaksihan kong kakaiba talaga, na marahil ay hindi lahat sa atin ay nakaranas ng mga ito. May mga pagkakataon din naman akong hindi ko napansin na nag-1-2-3 din ako, minsan naman, kulang ng piso ang pamasahe, at lahat lahat na. Pero, ang masasabi ko, ang jeepney ay isang bagay na maaari nating maipagmalaking mga Pilipino. Dahil dito, nakakatipid sa gasolina, kumpara sa mga ibang bansa na maraming taxi, na apatan lang ang kayang isakay. Hindi man natin maiwasan ang mga masasamang pangyayari sa ating pagsakay sa mga ito, masasabi pa din natin na ang Philippine Jeepney ay isang bagay na Proudly Pinoy!

Labels:

32 Comments:

At Thursday, August 23, 2012 , Blogger ignored_genius said...

wahahaha. natawa ako ng todo dito sa post na to. At di ko alam kung yung mild e dapat mong ilipat sa severe. mas dyahe ata kasi mas pansin ng lahat eh. hahahaha!

Nangyari naman sa kin eh yung minsan nakatulog ako, paggising ko naalimpungatan ako at malapit na sa bababaan. Tapos bigla ako dukot ng pamasahe at inaabot ko. Nagkatinginan mga pasahero.Sabay sabi sa kin ng isa "bayad na tayo kanina". Nakalimutan ko na naningil na pala sa terminal. hehehehehe.

Pero wala na atang mas dyahe pa nung inatake ako ng kung anong sakit sa katawan at napahiga na nga sa gitna ng aisle ng jeep(yung last blogpost ko). hehehehe :p

 
At Thursday, August 23, 2012 , Blogger ventocoseuss said...

Hindi ko pa nga naidagdag dito ang lumampas ako sa babaan, at hindi ko alam kung anong gagawin. Haha

At oo, wala na ngang dya-dyahe pa sa nangyari sa'yo. Haha. At least, you're still up and blogging. LOLs.

 
At Thursday, August 23, 2012 , Anonymous Y.B. Masdal said...

Napakasaya nga ang mga karanasan sa pagsakay ng Jeep. Simula nung bata pa ako jeep na ang sinasakyan ko, mahal kasi ang tricycle dito sa amin sa Zamboanga. Nung nagka-auto na ako, matagal tagal din hindi ako nakasakay sa jeep, ngunit ng minsan ako'y sumakay ulet, bumalik ang mga masasayang memories about riding jeepneys for me. :-)

 
At Thursday, August 23, 2012 , Blogger ventocoseuss said...

Even though may sasakyan na, hahanap-hanapin pa din ng Pinoy ang nakagisnan nya! Hehe

 
At Thursday, August 23, 2012 , Anonymous Anonymous said...

natawa ako ng bongga sa mga karanasan mo. hindi kaya sinadya mong sumandal dun kay bouncer pre? lolsjooke!

parehas pala tayo, laging tulog pag nasa jeep. :D

 
At Saturday, August 25, 2012 , Blogger Unknown said...

Dami kong tawa. Hahahaha. Madami talagang nangyayari sa loob at labas ng jeepney.

 
At Saturday, August 25, 2012 , Blogger RM Bulseco said...

Haha! Andami kong experiences when it comes to jeepney rides! Some funny, some unpleasant

 
At Saturday, August 25, 2012 , Anonymous Franc Ramon said...

Kasama nga sa araw araw ng buhay pinoy ang jeep at ang mga kaganapan dito. Meron natutulog, meron nag aagawan ng upuan at kung ano ano pa.

 
At Saturday, August 25, 2012 , Blogger Unknown said...

di ko talaga mapigilang tumawa ng tumawa di dahil sa mga nangyari sa'yo kundi dahil naalala ko ang mga nakakatawang pangyayari sakin habang nakasakay ng jeep.

Jeepney . . . . only in the Philippines . . . . very unique of us =)

 
At Sunday, August 26, 2012 , Blogger Ron Leyba said...

Hahaha. Napakaraming kwento ang mabubuo sa pagsakay lamang sa jeepney. Ngunit sa panahong ito, maraming jeepney na rin ang nasasangkot sa gulo.

 
At Sunday, August 26, 2012 , Blogger Unknown said...

thanks for sharing your jeepney stories sir. :)

 
At Sunday, August 26, 2012 , Anonymous Les-Joey said...

Bawat tao may kanya-kanyang istorya kaakibat sa araw-araw na pakikibaka sa pagsakay ng jeep. Minsan maganda, nakakatawa at nakakatakot lalo na kung may holdapan sa loob ng jip. Dami kong tawa sa mga jeepney stories mo :)

 
At Sunday, August 26, 2012 , Anonymous Dems said...

"Isa-isang inabot ng mga pasahero ang mga parte ng cellphone ko, bayanihan to the finest." - isa sa mga bentang-benta na linya :))

okay lang ung madulas saken or ung pag baba ko ng jeep ndi ako naapakan ung huling hakbang, diretso ako sa lupa lol. mabuti na din at ndi pa ako nahoholdap sa jeep or sa fx. pero sa bus napickpocket na ako :3

 
At Sunday, August 26, 2012 , Blogger Unknown said...

haha it's so home... lalo na ang ingay nila sa daan... magigising ka talaga... hehe we always have our share of jeepney stories - epic talaga...

 
At Monday, August 27, 2012 , Blogger ted claudio said...

Funny stories! Ako ang pinaka worst na jeepney story ko ay i was biking isang araw at umulan. Then I saw a magandang babae at napalingon ako. Di ko napansin na huminto iyong jeep sa harap ko. na bungko ko iyong jeep at pasok ako sa loob ng jeep :( Iyan ang napala sa paglingon sa magandang babae :)

 
At Monday, August 27, 2012 , Anonymous Angie Vianzon said...

Laughtrip! As in kung mabibilang ko lang sasabihin ko na madami akong tawa pero totoo ang dami ko talagang tawa. Buhay commuter talaga, mixed emotions lang.

 
At Monday, August 27, 2012 , Blogger Teresa Martinez said...

napakarami mo na talagang experience sa pagsakay ng jeepney, mabuti na lang at nai-share mo dito para di magaya nang iba (ha ha!)

 
At Monday, August 27, 2012 , Anonymous Khakiness said...

Hahahaha! I have this funny story about jeepney, too. I was about to board the jeep when I saw this cutie guy. Naisip ko, tatabi ako sa kanya. Nang biglang BLAG! I fell down sa jeepney aisle at yung cutie guy ang tumulong sakin. He lifted me from my waist, malaki katawan nun eh and ako naman super payat pa (that time). Hindi ako nakapag thank you sa sobrang hiya. Hahahaha!

 
At Monday, August 27, 2012 , Blogger Unknown said...

Hail all jeepneys!hahaha! Kaya lang, let's be honest.. they are causing congestion sa highway. We need to remove them from the main roads and replace them with buses.. so we can move on to the greater civilization.

Jeepneys should be kept in the provinces where there are supposed to be fewer population.

 
At Monday, August 27, 2012 , Blogger Budget Biyahera said...

grabe! I love you humor! Ng binabasa ko ang salaysay mo.. naisip ko bigla si Bob Ong. Parehas kayo ng humor. :) Nakakatuwa na naka-relate din ako sa Jeepney experiences mo~ :)

 
At Monday, August 27, 2012 , Blogger Pinay Thrillseeker said...

Hahaha! :D May koleksyon din ako ng mga ganito, pero walang-wala sa koleksyon mo. Buti di mo pa naranasang malampas sa pupuntahan mo dahil tulog ka. Yun yung sobrang ayokong maranasan.:)

 
At Monday, August 27, 2012 , Blogger ventocoseuss said...

Yeah!~ Haha
Uy hindi naman, laking hiya kung sasandal ako intentionally. Pero nakakahiya talaga, pramis!

At oo, lagi akong tulog sa jeep. Ewan at may overwhelming feeling lagi pag nasa jeep.

At.. meron bang jeep dyan sa kinalalagyan mo ngayon? Haha. XD

 
At Tuesday, August 28, 2012 , Blogger Divine RC said...

Lol! Marami rin akong ganyang karanasan sa dyip! Kaloka!

 
At Tuesday, August 28, 2012 , Blogger It'sBeryllicious said...

2.50 din ang inabutan kng pamasahe nung bata ako.. nkakatawa nmn mga experiences mo! nkakaenjoy bashin! :)

 
At Tuesday, August 28, 2012 , Blogger Super Mommy Jem said...

Malaking parte din ng buhay ko ang jeepney :) . Noong kolehiyo pa ako madalas ako dito sumakay at para makatipid minsan imbes na magLRT nagjeep ako.

 
At Tuesday, August 28, 2012 , Anonymous ralph said...

Ako naman, ilang beses ng tinabihan ng mandurukot...nitong huli, talagang nakipag away nko...buti nalang hindi nanakit ung mandurukot, marami kasing may dalang mga patalim pag magnanakaw. Ingat talaga, iwasan nlng maglabas ng mga nakakaakit na mga gamit tulad ng cellphones at wallet.heheheh ingat-ingat!

 
At Tuesday, August 28, 2012 , Blogger markpogi said...

I'd still recall that it costs me 2.50 to go to Alabang from Pacita in Laguna. And up to now, I still ride a jeep and I have a favorite spot when riding. XD

 
At Tuesday, August 28, 2012 , Anonymous Myk Malag said...

ayos sa kwento ah, antukin ka pala...:D

 
At Wednesday, August 29, 2012 , Blogger Maria Gemma Hilotin said...

hahaha.. grabe nakakatuwa mga experiences mo sa pagsakay sa jeep! eto na ata pinakamahaba ko na basa sa thread na to.. pero enjoy basahin! lol!

 
At Wednesday, August 29, 2012 , Blogger L.Torres, RN said...

pinipigil ko talaga tawa ko habang binabasa ko 'to...baka mapagkamalan akong may eng-eng weh...hahaha =P

worst experience ko sa jeep so far, may nambato ng yelo sa jeep at tinamaan ako. open kasi yung window nun. kainis. Buti nalang mabait pa ko nun kaya di ko na sya inaway. haha. [pero ang totoo, di ko naman alam kung sinu sya. hoho =p]

 
At Wednesday, August 29, 2012 , Anonymous AJ said...

Laugh trip to sobra! Sana kinunan ka ng piktyur ng kaibigan mo habang sleeping sweetly ka sa katabi mong bouncer. :p

 
At Monday, August 11, 2014 , Anonymous Teri said...

Ang sama naman hindi kapa ginising umuulan na... Natawa ako dun sa bouncer XD

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home